?

Log in

let it all out.

WARNING: MAHABANG POST. LOL.

for the past 7 years, i think parang naka-fast forward lahat ng nangyayari sa buhay ko. andyan ung bago pa ko makapag-cope up sa isang situation, me bago na namang mangyayari na parang ang bilis ng lahat. bago ko pa maintindihan kung ano na talaga ang lagay ko, eh madadala na naman ako ng agos sa panibagong hamon ng buhay.

so yeah i just talked to a friend last night and realized na.. oo nga no. after ng break up namin nung ex ko, ang daming nagbago sa akin na hindi ko lang ina-acknowledge dahil ayokong makita ung katotohanan na may nagbago sa akin at may nabago sya sa akin. andun ung trauma na naiwan nya sa akin na hindi ko na-realize na hanggang nagkapamilya ako, nadala ko pala.

dati kasi, open ako sa maraming tao. i can be friends with people easily. kaso nung naging kami and after ng break up namin ni ex, nabago lahat un. naging aloof ako sa tao, naging sobrang discreet ko to the point na mas gusto kong sarilinin ang lahat. kung magkwento man ako sa ibang tao, tapos na ung problema or aftermath na lang ung nangyayari. naiilang ako sa mga dating friends ko na dati ko namang ka-chikahan, naging snob ako to the point na parang ang unapproachable kong tao.. na parang ayoko makipag-friends. LOL.

ito ang mga nangyari sa akin since 2007-2011: nabuntis ako, kinasal ako, namatay si papa, nabuntis ako sa pangalawang anak ko, nagka-financial issue kami, nagka-issue sa family ng asawa ko and finally, issue dito sa family ng mom ko. ang daming nangyari sa ganyang kaiksing panahon, so talking about fast forward paced life. LOL.

then last April, before umalis ng asawa ko, again para mag-work abroad, nagkaroon kami ng heart to heart talk ng biyenan ko. so we talked about the family issue. pinakilala ko sa kanila ng maayos ung sarili ko. akala kasi ng mga tao, porket only child ako, spoiled brat na ako. na wala akong alam at asa lang ako sa ibang tao. hindi kasi nila alam, kahit nag-iisang anak ako, 9 ang kahati ko noon sa mga magulang ko.. dahil sinusuportahan nila ung mga auntie at uncle ko, pati lola ko. LOL. so kahit me pera kami, hindi naman ako sunod sa layaw. dahil ung mga extra money nila mama, binibigay nila sa mga kapatid nya dahil nag-aaral pa sila nun. mukha lang din akong walang alam sa bahay, kasi ayoko makelam masyado sa bahay ng ibang tao. pag me Go signal lang tsaka ako nagkukusa. mahirap kasi ung manghihimasok ka pero hindi naman pala gusto nung me ari ng bahay db? :D

so na-resolve ang issue sa family ng asawa ko. nung Black Saturday, nag-pilgrim kami sa mga miraculous Mama Mary sa parteng Norte ng Luzon. nagpunta kami sa Manaoag, Ilocos Sur at Nueva Ecija ata ung last. LOL. at sa lahat ng napuntahan naming un, ipinangako ko na pipilitin kong magbago. pipilitin kong maging mas mabait, mas open at as much as possible, gusto kong ibalik ung dating ako. LOL. ung totoong masayahin, palakaibigan, pala-ngiti at energetic na ako.

siguro isa sa mga reason bakit nagbago ako was.. natakot din akong mahusgahan ng tao. natakot ako sa mga sasabihin ng iba dahil nasiraan na kasi ako ng ibang tao. may isang kaibigan kasi na pinahahalagahan ko na naniwala sa mga sinabi nya.. and yes sobrang nasaktan ako nung hinusgahan nya ako. LOL. medyo close ko kasi sya so hindi ko akalaing na ganun kababaw ang tingin nya sa akin nun. ang mali ko lang din, naging duwag ako humarap sa lahat. mas pinili kong manahimik at hayaan ang mga bagay kesa harapin ito. kaya ayun, ang daming bonds na nagkaroon ng walls.

sana lang, hindi pa huli ang lahat. and yes i'm trying to reach out dun sa mga na-push away ko this past years. and i know, it was my fault. =.= and also i'm trying to be friendly with people again. mahirap.. yeah. kasi hindi ko rin alam kung tama ba ung ginagawa ko. likas naman kasi akong loner kaya medyo hindi ako sigurado sa mga ginagawa ko.

please, dun sa mga friend ko na nakakasama or nakakausap ko, if you find me irritating at times, don't hesitate to tell me right away para i'll stop it. LOL. kasi para alam ko ung limit ko. XD i know there are times na nakakairita na rin ung kadaldalan ko. =.=

so.. i'm just letting myself out. LOL. this is my gamble. i'm just happy with myself na i can finally take risk with life again. hehe. kung matanggap man ng tao o hindi itong tunay na ako.. masaya na ako sa sarili ko na inilabas ko lahat ng gusto kong mailabas. :D

salamat sa pagbabasa, kaibigan. o/

Tags:

balikan na~

nah. just letting people know in my f-list that i'm still alive and kicking! \o/

anyway, not very good with words, doesn't really know how to express myself so i'll just post here every now and then.

'sides, too lazy to post anything. my life is running in a daily routine, being a mother you know.. so.. yeah. =.=

though i usually drop by to read some entry from friends.

bye. o/

Tags:

new home.

new year, new account. LOL.

i'll be fixing this muna.

add me na lang kung kilala ko kayo at kilala nyo ko.

like sa plurk, wag feeling close ha. :D

Latest Month

July 2012
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031